Monday, May 25, 2015

Silaw

When your significant other has dreams that are bigger than your love.

I.
Mahirap ngitian ang ligaya mong namamaalam
Pikit matang susuko, bukas ang mga palad.
Sa tadhanang, alam kong, di ko kayang pagtaguan
At gustuhin ko ma'y di ko dapat, kamuhian.

Koro
Tinatawag ka ng mga pangarap mo.
Sino ako, sino ako, para pigilin ka?

II.
Siyudad ng mga ilaw ang nais mong marating
Gintong dagat ng buhay ang nais mong languyin.
'Di na sapat ang, munting mundo natin.
At kahit katabi, 'di na dapat angkinin.

Koro

Koda
At pag napagod na sa silaw ng mga bituin.
At kung nagsawa na sa lamig at tayog na 'yong narating.
Heto ako, heto ako, para ibigin ka.

Koro:
Tinatawag ka ng mga pangarap mo.
Sino ako, sino ako, para pigilin ka?

At pag nakamit mo nang mga pangarap mo,
Heto ako, heto parin ako... para ibigin ka.

No comments:

Post a Comment