Tuesday, May 26, 2015
Hibang
Ikaw ay bagyong inibig ko
Magmula nang apoy ay niyakap ko
At ang perlas na kalugkutang hinagkan ko
Naiipon sa nalulunod ko nang puso.
Kasalan ng puso kong tila ba hibang
Hintayin ba ang magpakailanman?
Ang tubig at langis pinaghahalong pilit
At pati ba ang pipi'y hintaying umawit?
Ngunit ang pusong hibang hindi papipigil
Ang ulan na sa Hunyo at Hulyo pa darating
Ang pilit na pinalalabas sa buwan ng Abril
Bakit nga ba sa imposible pa nahumahaling?
At ang kailanpamang hinintay ng isang hibang
Ay sandaling humaplos sa lupang tigang,
At saka lamang naisip na ang nyebe'y di kailanman nababati
Ng haring araw na sa langit na nakatali.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment