Para sa mga paasa... at sa mga ayaw nang maging asumera.
I.
Natuto na, talaga.
Nadala na sa makailang dagok
Na kaakibat ng pangako mong "Siguro"
Kilala na kita.
Mga linyang kaya mo'y di praktisado
Pero memoryado,
at walang kasing labo.
Koro:
Mr. Pa-fall, Mr. Paasa, not now, pero balang araw.
Mr. Kung ikaw na lang sana.
Kunwari bestfriends lang ang turing.
Pero yayakap at aawit ng Kundimang akala mo lang ay sa'yo,
At pag nahulog ay biglaang lalayo.
II.
May sakit, may saklap,
Magtanong kung ano ang kulang sakin?
At di mo magawang umamin.
Sukdulan man ng tanga,
Alam kong, may dulo rin ang sana.
Masakit yatang matawag na reserba.
Koro
Walang ampalayang katulad ko.
Kung walang paasang tulad mo.
Koro
Natuto na talaga.
No comments:
Post a Comment