Namulat ako sa himig ng pag-ibig.
Di man alam ang bawat linya'y, kabisado ko ang himig.
Namumungay pa ang mga mata habang pinanonood kitang,
nakapikit, uwaawit, yakap-yakap ang 'yong gitara.
Hindi mo ako pinilit umawit.
Kusang sumabay ang ang aking munting tinig.
Di namalayan na kahit anong hina at tinis,
Dahan dahan akong naturuang umibig.
Minsan ang mga tengang di nasanay sa tahimik.
Ilang di mabilang na taon ring namingi.
Sa balitang di ka na raw kahit kailan babalik
Di na mabati, di na aawit, walang katapusang idlip.
Naiwan ang gitara mong mag isa hanggang naluma.
Inamag na't gagamba na lamang ang tumitipa.
Maingat na binalot at tinagong magaling.
Katulad kong naghihintay kung kailan pwedeng tugtugin.
Muli.
Kahit na pilat ay abot kaluluwa ang lalim
Unti-unting nawala ang pait ng aking awit
Dahil kahit pabulong, tanda ko ang iyong himig at pag-ibig
Nakapikit, umaawit, nakayakap sa akin.
(Para kay Papa)
At heto't muling nagbabalik. Sa aking unang harana.
No comments:
Post a Comment